150, 104, 400 Rizal: Bayani, Inhinyero, Tomasino, Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino Welcome sa aming BLOG ^_^ salamat sa pagbisita!!!

Sabado, Setyembre 10, 2011

Repleksyon ng Grupo




Ang tema ng Buwan ng Wika sa taong ito ay 150, 104, 400 Rizal:Bayani, Inhinyero, Tomasino Tagapagtaguyod ng Filipino. Maraming pinaparating ang temang ito. Una, ang pagbibigay pugay sa ating dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa taong ito ay ipinagdiwang ang kanyang ika-150 kaarawan at bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng paggunita ng mahalagang okasyong ito. Nasaksihan ng karamihan kung gaano kagarbo ang paraan ng pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito ngunit ang tunay na mahalaga ay ang ating pag-alala sa mga nagawa ng ating dakilang bayani at kung paano natin ipagpapatuloy ang kanyang mga mabuting simulain. Bawat mamamayang Pilipino ay may responsibilidad na pangalagaan, paglingkuran, paunlarin at ipagtanggol sa sinumang umapi ang ating bansang Pilipinas dahil sa paraan lamang ito natin masusuklian ang sakripisyong ginawa ni Dr.Jose Rizal at maging ang iba pang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bansa. Ikalawang ipinaparating ng tema ay ang pagdiriwang ng ika-104 na pagkakatatag ng departamento ng Inhinyero, mahigit 104 taon ng naghuhubog ng mga kabataan upang maging mabuting manggagawa sa hinaharap. Bagamat mahirap pasukin ang kursong ito ay marami pa ring mga kabataan ang pinipili na mapabilang dito at handang harapin ang hirap na kanilang mararanasan ngunit ginwaha naman ang matatamasa sa huli. At ang ikatlong binigayang pansin ng temang ito ay ang ika-400 pagkakatatag ng Unibersidad ng Santo Tomas. 400 taon ng naghuhubog ng mga kabataan upang maging madunong sa iba’t ibang larangan. 400 taon na ring naglilingkod ang iba’t ibang mga tagapagturo at ang ilan ay nilaan na ang kanilang buhay upang magturo sa mga kabataan. At higit sa lahat, 400 taon na ring naglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa lahat ng mga salita ng Diyos at paghuhubog sa lahat upang maging mabuting tagasunod.






Ang aming grupo ay nagdesisyon na piliin ang Visual Exhibit upang gawan ng blog. Nang kami ay nagsimula ng kumuka ng mga litrato ay sadya kaming namangha at sadyang maraming natutunan. Ang mga larawan ay umiikot sa tema at nagpakita ng koneksyon ng bawat isa. Malaki rin ang naitulong ng Visual Exhibit upang alalahanin natin ang mga naging kontribusyon at ipinakilala pa ng lubos sa atin si Dr. Jose Rizal. Bawat larawan ay may kanya-kanyang mensahe at nagbigay impormasyon ukol sa tema gaya ng larawan ng dalawang nobela ni Dr. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagpaalala sa amin ng halaga nito dahil kung hindi ito nilikha ni Dr. Rizal ay hindi pa rin mamumulat ang mga Pilipino sa katotohanan. Ipinakita rin dito ang mga bagay, tao, lugar at pangyayaring hindi malilimutan sa panahon ni Dr. Rizal. “O, Rizal, ang iyong angking talino,Pagyayamanin ng mga Inhinyero”. Ito ay nabasa namin at sadyang napakagandang pakinggan ngunit isa itong hamon para sa amin na maging mabuting mag-aaral at gamitin ang aking talino sa tamang paraan. Nagpakita rin ang Visual Exhibit ng mga likha ng mga mag-aaral at sadya kaming namangha sa ganda nito. Hindi lamang ito sadyang maganda, naghahatid rin ito ng iba’t ibang mensahe sa lahat na talagang makakapagbigay aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento