150, 104, 400 Rizal: Bayani, Inhinyero, Tomasino, Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino Welcome sa aming BLOG ^_^ salamat sa pagbisita!!!

Sabado, Setyembre 10, 2011

Mga Larawan ng Nakaraan na Nagbigay Kulay sa Kinabukasan (Buwan ng Wika 2011 Visual Exhibit)







Noong ika-22 ng Agosto, taong 2011, sa unang palapag ng gusali ng Roque Ruaňo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas ay naganap ang pagbubukas ng “Visual Exhibit” na pinangunahan ni Bb. Wennielyn Fajilan, isang propesor sa asignaturang Filipino sa naturang unibersidad, kung saan inyong nasaksihan ang mga mahuhusay na likha ng mga mag-aaral mula sa fakultad ng inhinyeriya. Ito programang ito ay isinagawa para sa pagdiriwang ng “Buwang ng Wika”.

Ang mga obra maestra ay nagpakita kay Gat Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda bilang isang “bayani”, “tomasino”, “inhinyero” at “tagapagtaguyod ng wikang Filipino”, na siyang tema ng buwan ng wika para sa kasalukuyang taon.

Bilang bayani, ipinaglaban niya ang karapatan nating mga Pilipino at ang ating bansa upang maging malaya. Isiniwalat niya sa lahat ang pagmamaltrato ng mga Español sa mga Pilipino. Binuksan niya ang isipan ng mga Pilipino upang pukawin sila sa katotohanan na ang mga Kastila ay mapagsamantala at manggagamit lamang. si Rizal din ang gumamit ng pamamaraan na inisip muna ang gagawin bago humakbang o inisip ang kapakanan ng maraming tao. Kaya napaka-swerte ng bansang Pilipinas dahil minsan na nagkaroon ng isang “Jose Rizal” sa ating bayan.






Si Rizal ay minsan ding naging Tomasino. Matapos mag-aral ng mga kursong humanistiko sa Ateneo de Manila, nakakuha ng diploma sa Bachiller en Artes si Rizal bago pa man siya nakapag-aral sa UST, sa tulong ng dalawang Dominikanong pari. Lahat ng mga paaralan noong panahong iyon ay kunektado sa UST, ang tanging unibersidad na may kapangyarihang magbigay ng degree sa mga estudyante. Matapos mag-aral sa Ateneo, itinuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa UST noong 1877 sa kursong Pre-Law, na mas kilala bilang Metaphysics, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ama. Sa kanilang libro, sinabi na kaya lang pumasok sa UST si Rizal ay dahil hindi pa raw siya sigurado sa kursong kukunin. Humingi si Rizal ng tulong kay P. Pablo Ramon, rektor ng Ateneo, ngunit hindi siya napayuhan nito agad kaya’t itinuloy niya na ang pag-aaral ng Metaphysics sa Unibersidad. Sa kabila ng pagtutol ng ina na bumalik siya sa Maynila, ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral sa UST kung saan siya kumuha ng Medisina sa kanyang ikalawang taon. Ang lumalabong paningin ng kanyang ina ang nagtulak kay Rizal para kunin ang kursong ito. Bagaman labag sa patakaran, nagkaroon siya ng pribilehiyong kumuha ng Pre-Medical Course o Ampliacion, kasabay ng kanyang unang taon sa Medisina. Kailangan ng makatwirang dahilan para pahintulutan ng Gobernador-Heneral ang mga estudyanteng nais mag-aral ng dalawang kurso nang sabay. Hindi nasabi sa mga aklat kung ano ang dahilan ni Rizal para pahintulutan siya ng Gobernador-Heneral. Sa pagpasok niya sa Medisina, hindi masyadong naipamalas ni Rizal ang kanyang katalinuhan, hindi gaya noong siya’y kumukuha pa ng kursong Metaphysics. Dito marahil sinabing hindi naging maganda ang tingin sa kanya ng mga Dominikong propesor. Aniya, ang mababang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino noon at ang mapang-aping sistema ng pagtuturo sa Unibersidad ang nagtulak sa kanya upang lisanin ito.






Marami naring nagampanang gawaain si Rizal bilang isang Inhinyero. Isa na dito ang sistema ng patubig (aqueducts) na gumagamit ng prinsipyo ng gravity upang gumana. Ito ay may paanan na gawa sa sementadong tisa at ang tubig ay lumalabas sa isang iskultura na pormang ulo ng leon. Nagdadala ito ng tubig mula sa batis ng kabundukan patungo sa mga kabahayan. Inalisan niya ng tubig ang mga marshes sa Dapitan, sapagkat alam niya na maaaring dito magmula ang sakit na malaria. Gamit ang 500php na binayad sa kanya ng isang Ingles na pasyente, gumawa rin siya ng sistemang pailaw para sa mga taga-Dagupan. Ang sistemang ito ay binubuo ng mga lampara mula sa langis ng niyog na inilagay sa mga kalye ng Dapitan. Naglunsad din siya ng mga “beautification projects” para sa Dapitan. Ayon sa literatura, pabiro pa niyang sinabi kay Padre Sanchez na ang kanyang balak gawing plaza sa Dapitan ay maaaring maging pinakamahigpit na kapantay ng mga plaza sa Europa.

Ang mga ito ay ang mga hindi lubhang mahalaga lamang na nagampanan niya para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang pinaka-mahalagang nagampanan niya ay ang pagiging tagapagtaguyod niya ng wikang filipino. Siya ang unang nakaisip tungkol sa wikang pambansa, siya rin ay nagpahalaga sa mga likas na katangian ng Tagalog upang maging wikang pambansa ng Pilipinas. Nakapagtatag din siya ng isang asosasyon na ang layunin ay ang pagkakaroon ng malalim na lingwistikang pag-aaral tungkol sa mga wika ng Pilipinas at ang tuluyang pag-uuri nito. Marami talagang nagawa si Rizal upang itaguyod ang wikang Filipino, ngunit ang hindi makalilimutan ng nakararami ay ang kanyang katagang “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda”. Mula sa pagsusumikap ni Rizal na maipalaganap ang kayamanan ng Pilipinas sa aspetong pangwika , hindi rin nya nakaligtaang magsulat ng mga sulatin ukol sa panitikang Tagalog para sa mabuting pagkakaunawa ng mga kanluraning iskolar.







Hindi naman talaga maaaring isawalang-bahala na lamang ang mga nagawa ni Rizal upang maipalaganap ang malalim na pagkakaunawa sa tunay na esensya ng ating pagka-Pilipino na walang anumang malaking bahid ng kolonisasyon. Kanyang nabatid, kahit na mumunting paraan lamang mayaman ang Pilipinas sa kanyang mga wika at kultura ay kinakailangan paring malaman ito ng buong mundo ng may halong pagmamalaki at pagpupunyagi.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento